PAGPAPAKILALA
Ang pabalat ng Noli Me Tangere ay idinisenyo mismo ni Rizal para sa kanyang nobela.
Pinili ni Rizal ang elemento na ipapaloob niya rito, hindi lamang sa aspektong astetiko ang kaniyang naging konsiderasyon - higit sa lahat ay ang aspekto ng simbolismo.
Sa pabalat pa lamang ng Noli Me Tangere ay tila ninanais na ni Rizal na magkaroon agad ng paunang pag unawa ang kanyang mga mambabasa ukol sa nilalaman ng nobela
Ang mga nakapaloob sa pabalat nito ay matatagpuan at tatalakayin sa loob ng kanyang sinulat